Friday, October 28, 2022

BADJAO

Ang pag aaral na ito  ay tungkol sa ating kapatid na mga Badjao o Sea Gypsies. Sa iyong patuloy na pagbabasa sa blog na ito ika'y mamumulat sa mga kakaibang paniniwala at tradisyon na mayroon ang mga Badjao. Ikaw ay lubos na magkakaroon ng ideya sa kanilang mga nakasanayang gawin, kultura, wika at iba pa.



Kasaysayan ng wika at lugar ng mga badjao.

Ang kasaysayan ng wika at lugar ng mga badjao ay may wikang ginagamit na sinama ng wikang samal. Ang badjao ay walang pirmanenteng lugar, kung ating titignan ang mga badjao ay matatagpuan sa kung saan saan lupalop ng pilipinas. May isang lugar silang pinagmumulan at iyon ay sa Sulu sa parte ng Mindanao. Ang iba naman ay badjau, badjaw o badjao ang tawag sa kanilang wika upang maiba sa salitang ginagamit ng mga Saman sa naninirahan sa lupa. Itinuturing din ni Blumetritt na ang Saman Laut at Badjao ay magkaibang grupo. Unang dumating ang mga Samal Laut bago ang mga badjao at sila ay nanirahan sa kapuluan ng Samales na matatagpuan sa pagitan ng Jolao at Basilan. Naiiba sila Samal de Lea o mga taong naninirahan sa lupa, Ang mga Samal ha Gimba na naninirahan sa kagubatan, at ang mga Samal o sa simpleng katawagan. Tinatawag naman na luwaan ang mga Itinakwil o taga labas ng mga Taugsug ang mga Badjao at Palau na kung saan doon nagmula ang pangalan ng isla ng Palawan. Ang salitang palau o paraw (bangka). Pinangangalanan din silang kuto Dagat o Kuto tahik ng mga taugsug at Samal, gayunpaman, sinasabi ng mga badjao na sila ay mga Samal o sama.

kultura at pamumuhay ng mga badjao

Ang pangkat ng badjao ay kilala rin bilang Luaan, lutaos, bajau, Orang laut, SamalPal'u at Pala'u. Ang mga badjao ay isang grupo ng mga tao na naninirahan sa kayamanan ng dagat gamit ang kaalamang napag salin-salin sa kanilang ninuno. Ang pagtapon ng bagong panganak sa malalim na dagat at muling pag ahon ng mga nakakatandang lalaki sa sanggol ay halimbawa ng ritwal na ginagawa ng pangkat ng badjao  upang tanggapin sa kanilang samahan. Karaniwan sa kanila ay nakatira sa bangkang-bahay at pinaniniwalaang mayroong miyembrong 2-13 kada pamilya. Pangingisda ang pangunahin nilang hanap-buhay. Ang paglikha ng vinta at mga gamit sa pangingisda ay ang madalas nilang ginagawa. Pinapaniwalaan din na magaling sila sumisid ng perlas. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pamumuhay malayo sa karagatan ay panlilimos ang naging solusyon  nila na kung tutuusin ay hindi nila gawain. Sa syudad ay madalas natin  silang makita na sumasampa sa mga jeep, nangangaroling at umaasa sa barya na iaabot sa kanila. Makulay ang pananamit nila. Sa kanilang tradisyon na pananamit ay mayroong soot na saplot sa ulo ang mga lalaki at may mga perlas sa katawan at kasootan ang mga babae na sila mismo ang naglikha.

Tradisyon ng mga badjao

Ang tradisyon ng mga badjao pagdating sa kasalan ay tumatagal ng tatlong araw ang selebrasyon. Ang pagpaplano nila ng kasal ay dapat pagkatapos na ng ikatlong dalaw ng babae, Hindi rin maaaring ikasal ang babae sa lalaking kaedad nito. Kung ang nakasanayan natin ay lalaki lamang ang nagpapatuli sa tradisyon nila ay pati rin ang babae. Pagi at isda ang tradisyunal na pagkain nila. Kumakain lamang sila ng kanin bilang panghimagas o tuwing may okasyon. Kumakain lang sila kung kailan nila gusto hindi kagaya sa atin na kumakain ng umagahan, tanghalian at gabihan. Limba, igal-igal at daling- daling ang ilan sa tradisyunal na sinasayaw ng mga badjao.

Paniniwala ng mga badjao

May limang paniniwala ang mga Badjao, halina't alamin: Una, naniniwala sila na ang pagkilala sa kanilang panginoon at pagkakaroon ng karunungan ay magiging daan upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Sa kanilang pagpapahalaga sa kanilang panginoong Mohammed, binibigyan nila ng karangalan ang mga salip(pinagmulan ng panginoon) nito; Pangalawa, dapat mayroong mosque official ang bawat simbahan sa kanilang lugar. Pagdating naman sa pagdarasal, hindi dapat mawalan ng Imam, ang nangunguna sa pagdarasal, ang tumatawag at nagpapasimula ng pagdarasal ay tinatawag nilang Bilal, at Hatib naman ang nagsasagawa ng pagbasa tuwing araw  ng biyernes; Pangatlo, kaya makukulay ang kanilang kasuotan ay dahil sa paniniwala nila na ang kanilang pinanggalingan o mga ninuno nila ay mga dugong bughaw; Pang apat, naniwala ang mga Badjao na ang mga kaluluwa ay maaaring bumalik sa mundo gawa ng pagpayag ng kanilang panginoon sa tuwing araw ng Shaaban, at bilang pagbati nililinis nila ang mga puntod at nag-aalay sila ng dasal; At pang lima, naniniwala sila na ang mga patay ay kayang makipag kumunika sa mga buhay sa pagsasagawa ng seremonyang ritwal, pagsamba at eksorsismo.

BADJAO

Ang pag aaral na ito  ay tungkol sa ating kapatid na mga Badjao o Sea Gypsies. Sa iyong patuloy na pagbabasa sa blog na ito ika'y mamumu...